Wednesday, April 22, 2009

whew!

sa kauna unahang pagkakataon magsusulat ako sa wikang tagalog.siguro naisip mo bakit?wala lang susubukan ko lang kung mailalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pagsusulat ng dyornal dito sa lihim kong blog.naiinis ako sa sarili ko dahil sa maraming bagay una mas binibigyan ko ng importansya ang pagbabasa at pagsusulat sa wikang ingles masasabing traydor ako sa sariling wika naisip ko lang nung bata pa ako hanga ako sa mga nagwewelga at mga NPA ewan ko ba?pilit akong nagmamakabayan pero ang lumalabas naman ay ang kabaligtaran masasabi kong isa akong malaking kasinungalingan (what a fake!) pag dating dun.kasi naman matagal ng nanalantay sa dugo ko ang pagiging writer mayabangan ka man o mabasa mo man ito o hindi iyon talaga ang "passion" ko kung ang iba madaming talent sa sports man sayaw o kantahan wala akong ganon ito lang ang nangyaring kabuluhan sa buhay ko ang pagkakamali ko nga lang mas nagbigay pokus ako sa wikang ingles kaya eto hirap na hirap ako magblog ng hindi pa text ang spelling kapag tagalog.

pangalawa pag dating sa buhay pagibig tanga ako hindi lang iyon gaga pa (loser XD) umikot ang buhay ko nung highschool sa mundo ng mga crushes na hindi man lamang lumilingon upang bigyan ako ng pansin may mga ibang naligaw oo naligaw lang para pagtripan ang puso ko kaya ayon nung bagong salta ako sa maynila (parang preso lang ah XD) para magkolehiyo HINDI ako sanay sa istilo ng mga lalake kung pano sila magpahayag ng pagmamahal at oo dun ko nakilala sa kolehiyo ang dalawang tao iyong isa minahal ko sa nakaraan at iyong isa naman mahal ko sa kasalukuyan.

simulan natin si nakaraan. sa kanya ko naranasan ang pait ng tunay na pagmamahal oo minahal ko siya dati sobra hindi ko lang alam kung minahal niya talaga ako. ang pagsisisi ko lang ay hindi ko naipadama yun sa kanya in a way oo may pagkukulang din ako malaki. kaya ng maisipan niyang gumanti ako ang natalo sa huli nang makahanap siya ng iba at naging masaya naging malaking sampal saken yun at oo sobrang nahirapan ako magmove on at aaminin ko andun padin ako sa stage na yun kahit mahigit 2 years na ang nakakalipas pag nagkakamustahan kami hindi maitatago ang bahid ng panghihinayang sa mga nangyari. may ka relasyon na siya ngayon at muka namang masaya siya dito at sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang naging ganito ka seryoso sa babae malayo sa pinakita niya saken dati :))

si kasalukuyan naman aaminin ko nung una hindi ako seryoso sa kanya (oo i know im evil) pero palagi siyang asa tabi ko nung halos dugo na ang iiyak ko dahil kay nakaraan. nagising na lang ako bigla isang araw at naisip ko mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na wala siya sa buhay ko. naging napaka saya ng relasyon namin kahit you and me against the world ang drama namin hindi ko maitatanggi na naging masaya at hanggang ngayon masaya ako sa piling niya. lumalabas ang pagiging bata ko pagkasama ko siya. natuto akong magpasensiya ng sobra at halos gawin ko na lahat kahit pahintuin ang oras basta magkasama lang kami.

pero hindi ko alam ang nangyayari samin ngayon epekto lang ba ito ng init ng summer pero nagsisimula ng mag tagulan ah?epekto lang ba ito ng matagal na hindi pagkikita?lahat ba ng magkarelasyon dumadaan sa ganito?kahit ilang beses ako tanungin AYOKO AYOKO AYOKO ayokong maghiwalay kami alam ko matigas ang ulo ko at paninidigan ko talaga yun wag lang siya mawala sa buhay ko.pero bakit ganon napapadalas na ang mga away namin,tampuhan, tiisan ayoko ng ganun ayokong nasasaktan siya dahil saken ang hirap talaga pag madami ka nang alam ******ina pinaglalaruan ka ng utak mo :(

insecurities oo madami ako nun nanalantay na yun sa mga ugat ko. kung alam niya lang, alam mo lang kung gano ako ka insecure sa kanila halos mawalan na ko ng sariling identity kakaisip sa kanya sa kanila :( naiingit ako sa kanila lalo na sa kanya lumaki kasi akong naka install na sa utak ko na hindi ako maganda,matalino,cool inshort loser at alam ko she have all those damn qualities. ang hirap mainggit at magselos at the same time nakaka stress,nakakapagod. At ang pinaka kinaiinggitan ko pa ay nauna siya sa puso mo una mo siyang minahal una mo siyang iniyakan una kang maging masaya sa kanya unang nagsparkle yung mata mo pag tinitingnan mo siya,una kang nainspire dahil sa kanya siya ang nauna lahat sayo yun ang bagay na hindi ko magagawa let alone mapantayan waw nangarap pako gaga talaga :)) kung alam mo lang kung gano kabigat sa pakiramdam malaman yung mga nalaman ko alam kong espesyal siya sayo hindi ko pwedeng alisin yun pero *ucha nagseselos talaga ako mahirap bitiwan ang nakaraan alam ko yan kaya alam ko may parte padin siya sayo na hindi ko pwedeng alisin hindi pwede :(
ilan lang iyan sa mga rason kung bakit nagtataka ka at unti unti akong nagiiba sarili ko ang kalaban ko dito at alam mo sobrang hirap sobra :(

ayokong mabaliw kakaisip i want to find solitude, tulungan mo ko panda,kailangan kita ngayon,AYOKONG mawala ka MAHAL KITA :(

0 comments: