Saturday, July 18, 2009

FIX YOU reposted

ANG PUSANG ITIM ni Cirilo Bautista

Ang pusa sa aking durungawan ay
Payat at itim gaya
Ng iyong pag-ibig
Sa akin

Labis siyang matakaw
At kahit balat ng mani ay
Hapunan sa kanya

Kagabi habang
Puso ko’y lunod sa ungol
Dahil di nagbunga ang samo ko sa’yo
At ubos na ang pulot ng aking puso

Tila ulol
Na inatake niya ang isdang tanging
Ulam ko sa papag at padambang
Tinangay ito sa palupad ng kisame
Kinalambre ang aking bituka

Kanginang umaga pinatay ko ang pusang ito
at inihagis sa putikang estero

gustong gusto ko yang tulang yan pero ang saklap putol siya :(
KONTI NA LANG malapit na :)


:)) yehey buo na siya ^__________^ thanks anonymous guest!

0 comments: